top of page
Writer's pictureGer Victor

"Bakit kailangang ibalik pa sa dati?"

Balik opisina, negosyo, at eskwelahan na ang karamihan sa atin ngayong maluwag na ang restrictions sa pandemya. Kaya nagagamit na din ng mga motorista ang ibang mga bike lanes sa Metro Manila. Bilang isa sa 94% na Pilipinong commuter, ikinalulungkot at ikinaalala ko ito.

Kaliwa't kanan ang pag promorte ng ibang pribadong sector at LGUs natin sa ligtas na active transport lalo na noong pandemic. "New normal" ika nga. at bilang isang manggagawa, masasabi kong promising at mabisa ito noon.

Pero may natutunan ba tayo noong pandemic? Tila bigla nalang nagbalikan sa dati. Ehemplo dito ang planong pag implement ng "Sharrow" o shared lane sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati, kung saan gusto nilang ipag sama ang mga pampublikong sasakyan at mga bisikleta sa iisang linya.

Isa nanamang step backwards, kung saan pabor sa mga motorista, sa 6% na gumagamit ng ating pampublikong kalsada, at the expense of the safety of pedestrians and bike commuters.

Kung sino pa ang majority, tayo pa ang mag aadjust. We cycled our way to the pandemic, at binuhay tayo ng dalawang gulong at pag pedal on the way sa ating mga trabaho. Why stick to the "Old normal" When that version of normal is not working anymore?

Nandoon na tayo e? Bakit kailangang ibalik pa sa dati?

See insights and ads Boost post

All reactions: 115You, Aldrin Pelicano, Ger Victor and 112 others

7 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2 Post
bottom of page