top of page
Writer's pictureMOB Page

Bakit Kaunting Babae Lang Ang Nagbibike?


Ito ang katanungan na bumabagabag sa kaisipan nang iilan sa atin, bakit nga ba mas kaunting babae ang nagbibike kaysa sa mga lalaki?


Isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti lamang ang kababaihang nagbibisikleta ay dahil sa kadalasang sinasabi ng mga tao na “kapag nag bike ka mawawala ang pagkababae mo” ito ang kaisipang nakatatak na sa mga tao, ngunit totoo nga ba ito? Ayon sa siyentipikong pagaaral, may mga kababaihan na manipis, makapal at may talagang sarado ang hymen (isang tissue na matatagpuan sa ari ng babae).


Hindi masasabi ang pagkawala nang pagkababae dahil sa pagbibisikleta, sadyang hindi lang pare-pareho ang hymen ng mga kababaihan, kaya kung ito ang kinakatakot mo, ay ‘wag ka ng mabahala. Sa madaling salita, HINDI ITO TOTOO. Ito ay lumang kasabihan ng mga matatanda na walang kahit anong basehan.


Alam mo ba na isang babae ang naguwi ng gold medal noong 2019 Southeast Asian Games para sa cycling? Siya ay si Jermyn Prado isang three-time gold medalist, pinatunayan niya lamang na ang isang babae ay kayang makipagsabayan o higitan ang mga lalaki sa pagpadyak. Walang dapat ika bahala, ito ang dapat tandaan ang mga babae ay hindi lang basta babae na kayang maliitin o dapat matakot sa kung ano mang isipin ng iba dahil marami na rin sa mga kababaihan lalo na sa henerasyon ngayon ang sumusubok at nakikipagsabayan sa pagpadyak, kung kaya niya—kaya nila, kaya mo rin; kayang kaya kung gugustuhin, at may sapat na pagiinsayo para rito.


Habang tumatagal mas nagiging bukas sa pagintindi at pagunawa ang mga tao panungkol sa mga usapan kung saan ipinapakita na kayang kaya makipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan. Nagiging bukas na rin sa pagtanggap sa mga babae na gawin ang kung ano ang kanilang gustong gawin, kaya kung gusto mong sumubok magbisikleta, subukan mo na. Isama pa ang mga kilalang personalidad at mga babaeng siklista na pinangungunahan ang pagtangkilik sa mga sports na may outdoor activities at isa na rito ang pagbibisikleta.


Kaya bakit nga ba iilan lamang ang babaeng siklista? Huwag ka ng matakot dahil ang babae ay competitive, malakas at matapang. Dahil kaya naman din ng mga kababaihan, kaya kapit mga kalalakihan dahil heto na kami! Paparating na, ang mga babaeng siklista!

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Post: Blog2 Post
bottom of page