top of page
Writer's pictureMOB Page

HINDI LANG ANG PAGKAKAROON NG BIKE LANE ANG KARAPATAN NG MGA SIKLISTA

Updated: Nov 4, 2020

Dumadami ang mga taong nagbi-bike sa Pilipinas kada taon. Yung iba para sa exercise, yung iba para kumarera, yung iba naman pang bike-to-work nila. Pero bakit kaya hanggang ngayon ay hindi padin nabibigyan ng sapat na karapatan sa daan ang mga siklista natin?


Araw araw nakikipagsabayan tayo sa mga truck, bus at mga barumbadong jeepney drivers. At madami na kaming nakita at narinig na kuwento ng mga siklista na naaaksidente o kaya ay namamatay sa ating kalsada dahil sa kawalan ng “cyclist rights” ng bansa.


Pero para sa amin hindi lang ang pagkakaroon ng bike lane ang karapatan natin sa daan. Isa lang ito sa mga madaming paraan kung saan magiging ligtas ang mga bikers. Kailangan mas maging bike friendly ang mga kalsada natin kasi ang pagbi-bike ay isa sa mga cost-efficient, healthy at masayang alternatibo pag-commute ng mga tao. Isa Ito sa nakikita naming solusyon para maibsan ang problema traffic sa bansa.


Madami na ding sumubok magpasa ng batas para sa karapatan ng mga siklista, ang Bike Friendly Communities Act ni dating Senador Miriam Defensor Santiago, ang Bicycle Act of 2016 ni Congressman Nograles at ang pinaka bagong Minimum Overtaking Cyclists Distance Act ni Congressman Sarmiento pero hangang ngayon ay wala parin ni isa ang naisasabatas.


Pero sa dami man ng batas ang maipasa para sa mga bike safety, bike rights or bike lanes ang pinaka-importanteng karapatan na dapat maintindihan ng mga motorista ay ang RESPETO. Respeto, na ang siklista ang isa rin sa mga gumagamit ng ating mga kalsada. Respeto na ang siklista ay kahati at hindi kalaban ng motorista sa kalsada. At respeto sa mga siklista na kapwa may buhay, may trabaho at may pamilyang inuuwian araw-araw.


Naniniwala kaming balang araw ay magiging bike friendly din ang Pilipinas. Upang isang araw maging katulad na tayo ang Japan o UK kung saan may bike lane man o wala sadyang ginagalang at binibigyang-halaga sa daan ang mga nakabisikleta. Laging tandaan ay siklista ay kahati, at hindi kalaban sa kalsada.


Photo Courtesy of : GMA Network



71 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2 Post
bottom of page