top of page
Writer's pictureMOB Page

IMBA Trail Difficulty Rating System



ANO NGA BA ANG IBIG SABIHIN NG BLACK DIAMOND?

Ang mga pangalan na ito ay mula International Mountain Bicycling Association or IMBA. Gumawa sila ng "Trail Difficulty Rating" bilang isang gabay sa mga siklista kung gaano kahirap ang isang trail.

Ano ano nga ba ang mga ratings na ito?


White Circle - ito ang pinakamadaling trail rating, medyo patag ito at malapad ang daan (1800 mm) na wala masyadong lubak na bagay na bagay sa mga baguhan palang sa pagbibike.


Green Circle - Ito ang pangalawang pinakamadaling trail rating, mas makitid ito kaysa sa White Circle (900mm) na may onting lubak, pwede padin ito sa mga beginners na gusto ng onting thrill.


Blue Square - Ito ang intermediate trail rating, meron nito sa Timberland ang tinatawag na Blue Zone. Makitid ang daan dito (600mm) halong patag at mabatong daan. Meron mga option route para sa mahirap na obstacles, may bridges din na dadaanan. Para ito sa mga amateur riders.


Black Diamond - Isa sa mga pinakamahirap na trail ratings. technical ang ruta nito at halo halong daan na may jumps, may onting roots, malalaking bato at iba pa. Sobrang kitid ng daan dito (300m). Meron din mga unavoidable obstacles or mga mahihirap na daan na hindi pwede iwasan. Pang mga advanced or pro riders lang ito at hindi advisable subukan ng mga baguhan palang.


Double Black Diamond - Ang pinakamahirap na trail rating ng IMBA, mas makitid pa sa makitid ang daan dito (150mm lang ang pinakamakitid). Unpredictable din ang daan dito at halo halong technical routes ang pwede mong ma experience. lahat ng hirap ng Black Diamond doble pa (kaya nga double black diamond eh). Siguradong may jumps, big roots and rocks, bangil at iba pang pwedeng pampahirap sa buhay. Kahit pro ka mahihirapan ka sa daan na to at may mas mataas na risk na maaksidente. Proceed with Caution.


Binuo ng IMBA to gamit na guide ang trail rating ng mga skiers sa mga ski areas. Ginawa nila ito para maging safe at masaya ang ride natin kaya sana sundin natin ito para makaiwas sa mga aksidente.

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2 Post
bottom of page