top of page
Nina De Guzman

MOB's Top 10 Local Bikers Slang Guide: Part 2 and 3

Updated: Nov 9, 2020

MOB's TOP 5 LOCAL BIKERS SLANG GUIDE: Part 2

At dahil marami-rami tayong nakalimutang isama nung unang post namin. Ito ang 5 pang mga cycling terms na dapat malaman ng bawat siklista.


BUNNY HOP

Isang technique sa pag bibike kung saan papatalunin mo ng kaunti ang bike mo. Kadalasan ginagawa to pag may bato, o malaking lubak sa daan na mahirap iwasan.


Importanteng technique ito lalo na pag MTB, XC ang discipline mo. Ginagamit din naman ito ng mga road cyclists.


Siko

Isang uri ng “sharp turn” na parang hugis siko sa tulis ng liko. Kadalasan ito ay delikado. Kailangan ng malaking pag-iingat tuwing dumadaan sa ganitong klaseng ruta.


Borly

Sa madaling salita, newbie, baguhan. Kahit anong pwedeng magmukha na bago ka lang mag bike. No tan lines? Borly. Di pa nakakapag long ride? Borly. Walang helmet mag bike? VERY BORLY.


Groggy

Ganito i-describe ng mga siklista ang nararamdaman nila pag tapos palang ng mahirap na karera o long ride. Sinasabi din ito pagkatapos ng training.


Mamaw

Ito yung tawag sa mga siklistang sobrang lakas hindi lang sa ensayo pati sa karera. Mamaw ang mga tawag sa mga siklistang palaging nangunguna sa karera, palaging nagpopodium at palaging nangunguna sa matatarik na ahon.


Mamaw din ang mga siklistang malakas maka unli-rice

 

MOB's TOP 5 LOCAL BIKERS SLANG GUIDE: Part 3

Ito pa ang 5 bike slangs na dapat malaman mo pag biker ka.Dahil sobrang daming terms at slang ang di natin nasama nung unang dalawang part itong part 3, ipapaliwanag namin ang ibig sabihin ng banayad, cyclo cross, breakaway, tubeless at wheelie!


Cyclo Cross (CX)

Isa sa mga bike disciplines na sumisikat ngayon sa Pilipinas, Cyclo Cross. Pormang road bike ang bisikletang ganito, ngunit meron itong disc brakes at mga gulong na mas makapal sa mga road tires, para pwedeng-pwede rin siyang gamitin off-road. Kadalasan ginagamitan ito ng 700c x 32 na gulong o pataas.


Kadalasan ginagamit ito sa mga rides na inaasahang mong dadaan ka sa bahagyang malubag na lugar. Pwede gamitin ang bike na ito sa iba't ibang klaseng road terrain.


Banayad

Tawag sa mga daan o ahon na swabe lang o malumanay at hindi kakailanganin ng maraming effort. Pero wait! ‘Wag na ‘wag kayong maniniwala sa mga kaibigan niyo.


Kabaliktaran ng banayad ang kahulugan nito kapag inaaya nila kayo mag-ride. “BANAYAD LANG PRE BANAYAD LANG”. Pag sinabi ito ng kaibigan mo, ahasan mong matinding ahon (See bike slang part 1) iyon.


Tubeless

Ito ang klase ng mga gulong na walang mga inner tube sa loob. Ang gamit dito ay sealant para hindi lumabas ang hangin sa loob ng gulong.


Sinasabi nilang mas mahirap ito ma flat dahil nag si“seal” din ulit ito pag na puncture. Pero pag ito ay nabutas napakahirap palitan dahil tubeless ang pagkagawa nito.


Breakaway

Isang term sa mga karera. Ito yung mga siklista na nakakawala sa grupo at lumayo na ang agwat at mahirap na habulin. Kadalasan ito ang ginagawa ng sprinter matapos ang ahon.


Wheelie

Isang klase ng trick na ginagawa sa bisikleta kung saan iaangat ang harap na gulong mula sa lupa, hahanap ng tamang balanse, pe-pedal para manatili na nakataas ang likod na gulong at makagalaw sa pwesto.


Madalas makita to sa mga BMXers at pati na rin sa mga MTBers.



137 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2 Post
bottom of page